i-Search mo dito

Freedom Magsalita


ShoutMix chat widget

Ang Aking Supporters

Wednesday, January 14, 2009

Praning Mode

Praning, aning in other words... PARANOID!

Minsan ang pagiging paranoid, nagiging natural sa ating daily lives. Simpleng "Shocks! Baka ma-late na ako!", naku praning ka na, napaka NEGA, walang faith na baka may himalang mangyari at hindi magkatotoo ang kina-aaningan. Oh well, isang reality ng buhay yan. Natural lang sa tao ang maging PRANING!

Lalo na sa magkasintahan, pag walang tiwala, aba! Ang kapraningan up to the highest level na! "San ka nanggaling? Bakit hindi ka nagtetext? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tanong ko?" --- Isa lang ang masasabi ko, wag kang hot... pagsalitain mo naman ung tinatanong mo, mayroon siguradong magandang explanation kung bakit hindi niya nagawa ang expect mong gagawin niya. Sabay ang sagot "Nandun ako sa isa ko pang girlfriend/boyfriend." --- Patay kang bata ka, intuition naman pala, hindi kaaningan!

Pero, ang totoo niyan, para mawala ang kapraningan, lahat ng klaseng relationship, dapat ang pundasyon ay TRUST. Hindi ung sa commercial na trust ha! Trust as in pagtitiwala, sa sarili at sa karelasyon. Dahil sunod sa TRUST ay mabubuo ang RESPECT. Hanep, karesperespeto!!!! Sunod sa RESPECT uusbong ang LOVE!!!! Ayeeee, kiligan na!!!!

Wala naman masama sa occasional paranoid-ism (gumawa ng sariling word), pero kapag ito ay nakakasira at nakakasagabal sa isang magandang pagtingin, relasyon, friendship, communication etcetera, naku girl/boy may problem ka na... Pero, walang poblemang walang solusyon, at lahat ay nadadaan sa magandang usapan.

 

Pink Girlz Blogger Template | Blogger Clicks Design