i-Search mo dito

Freedom Magsalita


ShoutMix chat widget

Ang Aking Supporters

Tuesday, November 18, 2008

Ang Love Story Ni Lolo at Ni Lola

Isa sa GREATEST LOVE STORY na naikwento sa akin. Hindi ko alam kung dahil ba sa love story ito ng lolo't lola ko, or talagang nakakakilig siya. Grabe! Nakakakilig naman kasi siya talaga!

It all began noong 1956. Si Andrea, Del kung tawagin ng karamihan (ang aking lola), heartthrob ng Nasugbu. Panganay na anak nina Bernardo at Victoria. Palaging MUSE ng paaralan at ng bayan, dahil sa angking ganda (maraming nagsasabi na ako raw ang nakamana ng kagandahan niya --- wish ko lang totoo!) Maraming mga binata ang nabibighani sa kanya, dahil hindi lang siya maganda, kungdi matalino at mabait pa. Ang sabi ng marami, pila pila ang kanyang mga manliligaw. Iba ang pila sa mantutula, sa aakyat ng ligaw at sa maghaharana. Minsan daw, kapag nag oover time ang isang manliligaw, yung iba na nag aantay sa labas binabato na ang kanilang slippers para iparamdam sa nasa loob na "HELLO! BUMABA KA NA! MARAMI PANG NAKAPILA DITO!"

Kadalasan inaabot na ng dawn ang panliligaw kay Dely. Kung kaya't ang kanyang mga magulang ay nagitimpla na ng kape sa kaldero. Hindi po ito exag, kwento sa akin ito ng mga kapatid niya na mga witness ng mga panahon na iyon. Kung minsan daw, sa dami ng manliligaw ni Dely ay nagpapasama ito sa kanyang mga girlfriends sa sakayang ng tricycle. Kasi naman, ang mamacho daw ng kanyang manliligaw, ang laki daw ng body!

Si Juanito naman, Itoy kung tawaging ng kanyang mga kaibigan ay isang contract worker, pabalik balik siya sa Guam. Umalis siya sa probinsya ng Nasugbu upang hanapin ang kanyang asenso sa Maynila, dahil noong panahong iyon, pagkatapos ng grade 6 ay nakukuntento na ang mga ama na ituro ang pamamalakad ng bukid sa anak na lalake. Ngunit para kay Itoy, mayroon pa siyang pwedeng gawin bukod sa pagiging magsasaka. Gusto niya makapag-aral at makatapos, magkaroon ng magandang buhay na pwedeng ialay sa kanyang magiging may bahay at mga anak.

Nakisali siya sa construction sa Maynila, kung kaya't ang ibang lumang building sa Maynila isa si Itoy sa mga gumawa non. Dumaan ang ilang taon, naging worth it lahat ng pagod niya. Napansin ng kanyang boss na "ABA! MASIPAG KA! SAMA KA SA AKIN SA GUAM, GAGAWIN KITANG ASSISTANT."

Doon nagsimula ang pakikipagsapalaran ni Juanito sa isla ng Guam. Noong panahong iyon, hindi uso ang passport, ang visa o ang greencard. Papel lang na nagsasabing "Pare, ang may hawak ng papel na ito, trabahado ng company na based sa Guam. Papasukin mo siya!" Ganoon lang kasimple noon.

Anyways, itong si Juanito, all work no play! Napansin ng kanyang mga friendship na MUKHANG TIME NANG MAGKA-GF SI ITOY. So bilang isang matalik na kaibigan na walang intensyon kungdi ang makatulong, binigyan nila si Itoy ng penpal, at ang pangalan niya ay si Dely.

***Iisa lang po ang kinalakihan nilang probinsya. Sigurado nagtataka kayo kung bakit hindi sila magkakilala. Kasi, si Dely nung panahong ito ay 16 years old lamang, samantala si Itoy ay 23 years old na.

So ayun, magpenpal na sila. Every month si Dely may bagong magazine na galing Guam. Doon finifeature ang Latest Style and Accessories. Shempre si Dely in na in non, kasi siya lang ang may ganun. Matapos ang ilang buwan ng pag eexchange ng sulat, nag expire ang contract ni Itoy, kinailangan niyang magrenew. So umuwi siya ng Pilipinas, at sa Nasugbu nakilala rin niya ang penpal niya.

Ang mga manliligaw ni Del, nagtataka "Sino ba itong magandang lalakeng ito na palibot libot kay Del! Ngayon lang siya sumulpot ah!" Eh wala, hindi sila type eh, mga aggressive yata.

Dumating na ang bagong contract ni Itoy papuntang Guam. Shempre, kailangan niyang bumalik, upang kumita ng money at mag-ipon. Pero, may pumigil sa kanya, ang kanyang puso. Mahal na mahal niya si Del. Inisip niya "sa dami ng kanyang manliligaw, baka mawala sa akin ang pagkakataong ito!"

Umuwi si Itoy sa kanilang bukid, kinausap ang kanyang mga magulang at kinabukasan, madaling araw palang buong mag-anak silang pumunta sa bahay ni Dely upang mamanhikan, kasama ang mga friends and family na may bitbit na palayok at sandok para doon magluluto sa bakuran nina Del.

Nagulat si Del. "Its so unexpected." Iyak ng iyak si Victoria, kasi ang kanyang panganay, hinihingi na ng binatang ito. Galit na galit si Bernardo kasi naman, ang bilis naman nitong si Itoy.

Pero, dahil siguro sa nakita nilang sincerity nitong si Itoy ay ipinakasal sila sa pinaka madaling panahon. 16 Years old lang si Dely non, at si Juanito ay 23 years old.

Sa sipag nila, marami silang naitayo na negosyo na ngayon ay lumago na bilang isang korporasyon. Sa kanila nabuhay ang kompanyang Johndel. Pinamana nila ang kanilang sipag at talino sa kanilang mga anak. Kung kaya't patuloy ang paglaki ng kanilang pamilya at ang kanilang mga negosyo na nagsimula sa isang matibay na pundasyon.

Nakakasuspense diba at nakakakilig, higit sa lahat nakakainspire. Pang Maalaala Mo Kaya ang story.

At present, wala na si Del, nasa piling na siya ng Panginoon. At si Itoy, patuloy na nabubuhay dala dala ang alaala ni Del.


--- In Memory of my Loving Lola.

Monday, November 17, 2008

Ang Sheehan Ni Mama


Ang Sheehans Syndrome ayon sa Wikipedia

"Sheehan syndrome
, also known as postpartum hypopituitarism or postpartum pituitary necrosis, is hypopituitarism (decreased functioning of the pituitary gland), caused by necrosis due to blood loss and hypovolemic shock during and after childbirth."

Ang Mama ko meron nito. Nagkaroon siya nito noong 1989, nang ipanganak ang aking kapatid na lalake. 2 years old lang ako nun, so wala talaga ako maalala. Pero sabi nila, 10% na ang bigay ng doctor na HOPE na mabubuhay pa siya. Pumirma na ang tatay ko sa isang contract na nagsasabing di niya idedemanda ang ospital kapag namatay ang aking pinakamamahal na ina.

Ang balita ko pa, hindi na umuuwi ng bahay ang aking ama, dahil sa sobrang alala sa kung ano ang mangyari sa aking mama.

Sampu silang nasa ICU non. Tuwing meron kang maririnig na "toooooooooooooooooooot" tapos sabay umilaw ung pula, naku, ibig sabihin non mayron sumalangit na kaluluwa.
Dumaan ang araw at linggo haggang sa Mama ko nalang ang natira sa ICU. Ang ama ko umiiyak na, kasi isang "tooooooooooooooooooooooooooot" nalang, tiyak Mama ko na iyon. Grabe ang suspense nung mga panahong yun!

Buti nalang, habang kinakausap siya ng aming kaibigan na pari, bigla siyang nag OPEN EYES, at sinabing "Father, pakikuha ang novena kong Our Lady of Pardon." Ganyan talaga ang mama ko, nakahilata na nga siya sa ospital, ang uang hinanap ay ang kanyang novena. Napaka religious niya kasi.

So, after 20 years. Ang mama ko, parang masamang damo, matagal bago kunin ni Lord. Pero ubod siya sa bait. Siguro sabi ni Lord hindi pa niya talaga time, kasi marami pa siyang idudulot na mabuti sa buhay ng ibang tao. Pang apat na buhay na niya kasi ito! Ung pangalawa after ng hypovolemic shock niya, ang pangatlo after niya mabagksakan ng concrete sa ulo sa Divisoria, at yung pang apat, matapos niyang magkaMILD Stroke noong 2003.

Sabi ni mama, "Siguro kung selfish ako, MILYONARIYA NA AKO." Kasi naman nabagkasan siya ng concrete sa isang kanto malapit sa Divisoria. Hindi naman niya alam na may building na under contruction. Diba dapat nilalagyan nila ng sign na "WARNING: FALLING DEBRIS". Eh walang nakalagay. Eh di sana demanda na yun.

Balik tayo sa Sheehan's ni mama. Batang bata palang ng mama ko, nakasteroids na siya, ang dami na niyang gamot, nagcococktail na siya, then shempre lahat yun ay MANDATORY na itake niya kasi, ayon sa Doctor, "You stop your medicines, you die!" Grabe talaga yung doctor na yun. Feeling tuloy ni mama hinatulan na siya ng kamatayan.

Ang effect sa mama ko, paiba iba siya ng ugali, nagkaroon siya ng maagang pag bawas sa height, numipis at nanlagas ang kanyang buhok, naging pasain siya, naging sakitin, pero kahit ganun, lalong lumakas ang loob ng aking mama. IDOL!

Naapektuhan din ang kanyang thyroid gland, mayron na siyang Hypothyroidism. Kawawa naman si mama. Kaya medyo chubby siya at mahina sa lamig. Then prone pa siya sa osteroporosis. Ang kanyang hormones nagloloko na rin dahil sa condition niya at dahil na rin sa mga gamot niya, kaya si Mama, minsan parang bata, minsan masungit, minsan super lambing. Ang memory rin niya apektado, mahina na ang short term memory ni mama, kadalasan ang naaalala niya "Alam mo noong 1970's, 1960's", shempre wow! alam niya pa rin ung mga panahong yun. Pero hindi na siya credible source ng tela novela at ng mga recent events ng buhay. Ang hirap ng kalagayan ng aking Mama noh?

Pero kahit marami siyang napagdaanan, very active pa rin siya, nagnenegosyo kahit sinasabing magretire na siya. Totoo yung mind over matter. Buti nalang matatag ang nanay ko, hindi basta basta sumusuko kahit sa Sheehan's Syndrome niya. Kahanga hanga ang aking ina, at kahanga hanga ang aking ama, dahil sa dami ng napagdaanan nila, pinapatunayan lang nila na sila'y naging mas matatag bilang tao at mag asawa dahil sa mga nangyari at sa mga nangyayari.

Saludo ako sa Magulang ko!

Ang Una kong Post

Hay Salamat! Makakapag speak na rin ako ng taglish. Sometimes kasi its so hard na magenglish ng magenglish. Minsan naman, its also difficult to speak na deretsong tagalog. Maganda kasi yung like this, relaxed at natural, diba?

Bakit nga mga ang mga Filipino, they love to mix English and Tagalog words? Ang naiisip ko lang na reason ay, because mas naeexpress nila ang sarili nila sa ganitong way.

When I was in school, shempre nasanay na ako sa tagalog. Parang ang hirap na straight English lang ang irerecite ko. Shempre, I have been talking Tagalog as my everyday language since I was in 3rd Grade. Natural lang na malimutan ko ang ibang English words. Diba!

One time, during my New Hire Orientation at DFS, pinagbenta ako sa Tagalog. Shempre lakas loob ako kasi FLUENT ako mag Tagalog eh. Aba, pahiya naman ako ng konti, kasi little did I notice, I was already mixing my dialog with English.

Wow diba. So it just comes to show, that masyado na tayong nasanay sa kakamix ng English and Tagalog na hindi na natin napapansin na hindi na tayo masyadong FLUENT sa both languages.
Try mo nga isang araw wala kang masasabing English word. Or i-implement mo yung no Tagalog word policy like the ones they have for English class.

Oh diba, ang hirap!

Hindi ko naman pwede sabihin na "Ah hindi, basta English, English lang, and pag Tagalog, Tagalog lang." Siguro pag inisip mo ng mabuti, posible pa na mag derestong English or Tagalog ang isang tao. Paano naman pag, wala lang, NATURAL lang, casual lang, wala na diba? Back to the normal Taglish Day nanaman tayo.

 

Pink Girlz Blogger Template | Blogger Clicks Design